Tuesday, April 11

who are the people in my neighborhood...

I really don't have any new friends here in Doha. Ang social life ko ay umiikot sa bahay at opisina. Meron namang mga pinoy at pinay na kasama ako sa office pero kahit magkapareho kami ng department hindi rin naman kami nagkakausap kasi magkahiwalay kami ng building.

Para naman makapag-bonding kaming lahat, my mom decided to host a barbecue last Thursday. Here are some of the pics...


(from left to right: nikki, jackie, anna, glenn, ryan, allan and monica)

Jackie - She's in Auto Sales. Isa sa pinakamakulit na taong nakilala ko hehehe! Sober pa siya ng lagay na 'yun ha?

Anna - kasama kong alipin sa Auto Rent. Magaling mag-acting! Gayang-gaya niya ang mga mannerisms ng isang officemate ko.

Glenn and Ryan - mga pamangkin ni Anna

Allan - marketing assistant sa Auto Sales. Huwag kayong magkakamaling itanong kung gaano kagaling ang amo niya at baka masakal niya kayo.

Monica - she's with CRM (customer relations unit yata) and 'yung boss niya ay isa pang ubod ng talino. oo nga pala guys, MM is single and available. any takers?

(left: lumel, right: allan)

Lumel - Jackie's hubby. guess what? kapitbahay siya ni irene balagtas - classmate ko from kinder to grade 6 sa la consolacion. ika nga ni paolo - "ang liit talaga ng mundo, parang friendster!"



1 comment:

Unknown said...

Hi. I can't view the pictures. Buti ka pa you can use the photo feature of your Blogger account, sa amin ang hirap (blocked!).

Mukhang wala kang magawa this weekend, 'no?